VANILLA “Are you sure? I mean, pwede naman akong magluto para makakain na ang mga bata. Anong oras na ba?” kaagad namang awat ni Vanilla kay Zakari. Kaya lang, mukhang buo na ang desisyon nito dahil napatayo na sa sobrang tuwa ang mga bata. Excited kumain sa labas. “Mommy, gusto po naming sa labas, kakain.” Ani Hannah. “Yeah..hindi po okay ang food na niluto ni Daddy at gutom na po kami. Gusto na po namin kumain, My!” sabat naman ni Nathan. Kahit na labag sa kalooban na lumabas, wala na siyang nagawa pa kundi ang pumayag na lang. Alam niya kasing hindi siya titigilan ng mga anak nila hangat hindi siya pumapayag eh. “Okay…sige! Hihintayin lang natin ang Daddy niyo na makapagpalit ng damit at aalis na tayo.” Sagot naman kaagad niya. Napatitig pa siya Zakari sabay senyas na magpalit ito ng maayos na damit. Baka mamaya, gawin pang ulam ang katawan ng taong ito ng ibang mga costumers sa resto na pupuntahan nila kung hindi ito magpapalit ng medyo disenteng damit eh. "Hindi mo ba
VANILLA “Pagkatapos maligo ni Vanilla at nag-ayos ng kanyang sarili, kasama ng mga anak, lumabas na sila ng kwarto at direcho ng kitchen kung saan naabutan nila si Zakari na abala sa harap ng lutuan. Mausok ang buong paligid ng kusina at naamoy sa buong paligid na para bang may nasusunog. “Hmmm, what is it? Why is it smoky? Daddy?” sambit pa nga ni Hannah sabay tawag nito sa ama na noon ay abala sa kakahalo ng kung ano. Narinig marahil nito ang pagtawag ni Hannah kaya kaagad itong napalingon at nang mapansin nito ang presensya naming apat, awtomatiko itong ngumiti “Babies…Hon…malapit na itong maluto. Maghintay na lang kayo sa dining area. Masyadong mausok eh.” Nakangiti nitong sagot. Kapansin-pansin ang tagaktak na pawis sa noo nito patungo sa leeg n ito. Nakasuot lang kasi ng puting sando, cotton shorts with apron kaya naman kitang kita ang namumutok nitong mga muscle na nangingintab dahil sa matinding pawis. Wala sa sariling napatitig siya sa nakasalang nito. Sobrang mausok
VANILLA “Hindi na kailangang sa guest room ka matulog. Pwede mo naman gamitin ang dati mong kwarto eh.” Wika ni Zakari sa kanya. Nandito na ulit sila sa labas ng kwarto ng mga bata at nasabi niya na din dito kung ano ang pakay niya “Pero, ang guest room ay ayos na sa akin.” giit niya dito “Guest room or sa dati mong kwarto, pareho lang iyun, Vanilla. Don’t worry, hindi naman kita iisturbuhin eh. Kung pagod ka, pagod din ako kaya good night!” seryosong wika nito sa kanya at pagakapos noon, naglakad na ito paalis. Nagtatakang nasundan niya na lang ito ng tingin. “Pambihira, bakit parang mainit na naman ang ulo? Tsk! Akala ko ba nagbago na siya?” hindi niya mapigilang bulong sa kanyang sarili. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago iiling-iling na naglakad siya patungo sa dating kwarto na inuukupa niya. Pagdating niya sa may pintuan, dahan-dahan niyang binuksan iyun. Kaagad na sumalubong sa pang-amoy niya ang familiar na amoy ng silid. Feeling niya, bigla di
VANILLA Muli silang sumakay ng kotse. Nag insist ulit si Zakari na may pupuntahan pa raw sila pero hindi na siya nagpauto. Gusto niya na munang makabalik ng Villa para macheck ang kalagayan ng mga anak niya. Baka kasi hinahanap siya ng mga ito eh. Hindi sanay ang kambal na hindi siya nakikita sa tuwing natutulog ang mga ito sa gabi. Pagdating ng Villa, seryoso niyang muling hinarap si Zakari. Gusto niyang ilatag dito ang ilan sa mga kondisyones nya. Since gusto nitong dito sa Villa tumira ang mga bata, dapat lang na may rules ang regulations siyang ilatag sa pagitan nilang dalawa ng lalaking ito “Sa kwarto ng mga bata ako matutulog.” Seryosong wika niya kay Zakari pagkababa niya ng kotse. Napansin niyang saglit itong natigilan. Tumitig sa malayo na para bang malalim na nag-iisip bago nakangiting muli siyang hinarap “Okay, sa kwarto tayo ng mga bata matutulog. Wala namang problema sa akin iyun eh.” Nakangiting sagot nito “Zakari, hindi ka kasama. Kami lang ng mga bata ang ma
VANILLA “AYOS ka na ba?” nakangiting tanong sa kanya ni Zakari. Nandito sila sa loob ng living room ng mansion at kanina pa siya tulala. Binigyan na siya ni Zakari ng maiinom na tea at ilan pang mga sweets snacks pero lahat iyun, hindi niya nagagalaw. Paano ba naman kasi, hangang ngayun, hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng Zakari na ito kay Freya. Ilang araw na daw nakakulong si Freya sa kulungan na iyun? Kahit sino naman siguro mababaliw diba? Lalo na at ang lakas tumahol ng mga aso. Haysst, kung anu-ano na lang na mga kabulastugan ang mga naiisip nitong si Zakari eh. Oo, malaki ang pagkakamali ni Freya sa kanya pero napaka-brutal naman nitong si Zakari kung magparusa. Hindi nalang nito isinuko sa mga kapulisan. Para sana batas na ang bahalang magparusa kay Freya. “Nakita ko kung paano natakot si Freya sa akin kanina. Sabihin mo nga sa akin, Zakari, mukha ba akong multo?” seryosong tanong nya dito. Nagulat na lang siya nang malakas na naman itong tumawa. “What? V
VANILLA “Manong pakisamahan po si Vanilla sa likod bahay. Sa kulungan ni Freya.” narinig ni Vanilla na wika ni Zakari na labis niyang ikinagulat. SA likod talaga nakakulong si Freya? Hindi nga? “Okay po Sir. Mam, dito po tayo.” Sagot naman ni Manang. Bago siya napasunod kay Manong, puno ng pag-aalangan na tumitig siya kay Zakari. Gusto niyang makasigurado kung nasa matino pa ba itong pag-iisip. “Sumama ka na sa kanya, susunod ako. May kukunin lang ako sa itaas ng bahay para after this, aalis din kaagad tayo. May iba pa kasi akong sorpresa para sa iyo mamaya eh.” Nakangiti nitong wika sa kanya Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod kay Manong. Nagtaka pa nga siya dahil habang naglalakad sila, sa likod talaga ang distenasyon nila. Hindi niya pa nga mapigilan ang mapahito sa paghakbang lalo nan ang marinig niya ang tahulan ng mga aso sa likod ng bahay. “Dito po tayo, Mam. Mahilig po talaga si sir sa mga aso kaya marami siyang mga alaga sa likod. Iba-ibang lahi pero huwag