"Excuse us. I'll be back later, guys," paalam ni Andrade sa mga kasama niyang negosyante bago niya ako tuunan ng pansin. "Come with me, France, ipakikilala kita sa mga friends ko.""Sige," nakangiti kong sagot bago namin nilibot ang venue."I'm going with you, guys," habol naman ni Cornelia.Pinuntahan namin ang bawat seat ng mga bisita upang ipakilala ako ni Andrade sa mga negosyante niyang kaibigan. Sa bawat akma niyang pagpapakilala sa mga ito ay palagi ko siyang inuunahan. Natutuwa ako dahil malaking tulong sa 'kin ang mga pinag-aralan ko sa binigay ni Mina."I'm happy because you knew all my friends, France," natutuwang sabi ni Andrade habang naglalakad kami."She knew everyone, dad, because she's friendly," sagot naman ng anak niya.Mas lalo akong nasa-satisfy kapag ginagatungan ni Cornelia nang magagandang salita ang tungkol sa 'kin. Nagmumukha akong perpekto sa mga mata ng tatay niya."Hindi naman. Sadyang mga kilala kayong tao kaya marami ang nakakakilala sa inyo," pagdadahil
Baca selengkapnya