Gabi pa lang pero napakarami na naming dapat lutuin para sa isasagawang pista bukas. Naghihiwa kami ni Rowena ng mga gagamiting rekado.Alas otso na ng gabi pero busy pa rin kami sa pagkukuwentuhan."Ang martyr mo rin kasi, insan, e. Kung hindi ka na mahal ni Julian, e 'di pakawalan mo na. Hindi yung nanghahawak ka pa sa pangako ng mother-in-law mo," paliwanag ni Rowena."E iyon ang huling bilin ni mama sa 'kin before she passed away," depensa ko."E paano ka? Paano naman 'yang feelings mo? Alam mo, sa tuwing nag-uusap tayo, palagi nating topic ang magaling mong asawa. Ano? Naniniwala ka na sa 'kin sa sinabi ko noon? Nakita ko na 'yang may kasamang babae. Ito na ngayon ang hinihintay mong proweba. Ayaw mo pa kasing maniwala, e," ipaliwanag ni Rowena.Natahimik na lang ako sa sinabi niya. She already warned me na may ibang babae si Julian but hindi ako naniwala kahit na may kutob na rin ako."Ayoko namang magbintang, e. Mabuti na rin na nakita ko," sagot ko."So ano na ngang gagawin mo
Read more