"See? Ewan ko ba rito sa Daddy mo, Cornelia." Nailing din si Cornelia sa sinabi ko nang bigla ay may maalala siya. "Oo nga pala, meron kaming girls night out tomorrow kaya wala ako rito," paalam nito. "Okay. Make sure lang na safe kayo," sagot ni Andrade. "Okay. Thanks, Dad. Anyway, I need to go upstairs na because I'm so tired. Maiwan ko na kayo," paalam niya bago siya umalis. "Uuwi na rin ako, Andrade," paalam ko naman sa kaniya. "Huh? Gabi na, France. Dito ka na magpahinga." "Hindi naman pwedeng hayaan ko na lang yung bahay. Mag-aasikaso rin ako ro'n. Babalik na lang ako. Kahit papaano naman e nabawasan ang pasa sa mukha mo," sagot ko. "Gano'n? E 'di ihahatid na lang kita—" "Hindi na. Magbo-book na lang ako. H'wag ka ng lumabas. Mas mabuting magpahinga ka na." Nag-book ako ng car taxi at hinintay na lang ang pagdating nito. Ilang sandali lang ay nakarating na rin ito. "Sige na, Andrade. Mauuna na ako." "Take good care, okay? I love you." Hindi ko alam kung tutugunan ko
Read more