"Hindi ko alam, France." Unti-unting lumilipat paibaba ang tingin ko mula kay Mina habang nag-aalala kung nasaan ba si Julian. "Oo nga pala, binigay 'to ni sir Julian sa 'kin noong isang araw pa. Ang bilin niya sa 'kin, kapag dumating ka, ibigay ko raw 'to sa 'yo," sabi pa ni Mina at inaabot sa 'kin ang hawak niyang folder. "A-Ano 'to?" tanong ko, ngunit nagkibit-balikat lamang siya. Kinuha ko ang folder na 'yon at binuksan. Sa paglabas ko ng mga papeles, nakita ko na about ito sa aming divorce papers. He signed it. "P-Pinirmahan na niya," sabi ko habang nakatitig sa mga hawak kong papeles. "T-The divorce papers?" tanong din niya kaya't dahan-dahan akong tumango. Ngumiti si Mina sa 'kin at niyakap ako. "Congratulations, France! You're officially free and single again!" natutuwa niyang bati sa 'kin, ngunit hindi ko siya magawang sabayan. I know, Julian had been so ruthless to me, pero hindi ko agad matatanggal sa sarili ko ang mag-alala sa kaniya. "France, why are you sad? Co
Read more