"Hindi, 'ma. Mamahalin ko pa ba ang taong 'yon? Iniwan nga kami no'n e," tugon ko rito. "Basta ayoko lang sa ngayon.""Hay, anak. Bakit hindi mo kasi pagbigyan si Charlie na papasukin d'yan sa puso mo? Yung takot ang nagsasara e. Paano mo malalaman kung siya ba o hindi ang taong para sa 'yo kung ayaw mo siyang pagbigyan?" tanong ni mama.Hindi ako umimik, samantalang siya ay nagbuga ng malalim na paghinga."Alam mo? Ito, hindi ko pa nakukwento sa inyo ni Matthew, alam mo bang hindi dapat kami ng papa mo ang para sa isa't isa?" tanong niya. Sa curious ko ay napakunot ang noo ko."Paano mo naman nasabi, 'ma?" tanong ko rin sa kaniya."Noong high school kami, yung famous na kaibigan ko ang gusto niya, si Trina. Mayaman 'yon at kilala ang pamilya. E dahil nga kaibigan ko 'yon at nahihirapang makalapit ang papa mo ro'n, ako yung ginawa niyag tulay. Ako ang nagbibigay ng sulat, bulaklak, regalo, at kung ano-ano kay Trina tapos sinasabi ko na galing 'yon sa papa mo. Ending, ako ang nagustuha
Last Updated : 2025-07-18 Read more