Kinabukasan, nagtungo kami ng simbahan nina mama, Matthew at Madrid. Ipinagdasal ko sa poong Maykapal na kung saan man niya dalhin ang buhay ko, sana ay gabayan niya ako dahil kailangan pa 'ko ng pamilya ko.Matapos naming magsimba ay dumiretso kami sa malapit na park para kainin ang mga binili naming pagkain ngayong almusal."Oh, ito ang sa 'yo. Tubig mo, nand'yan na. Okay na ba? Wala na bang nakalimutan?" tanong ko matapos i-distribute ang mga naka-styro naming pagkain. Bumili kami ng CornSiLog, ToSiLog, HotSiLog at MalingSiLog, pati mga naka-styro'ng baso ng tatlong kape, isang gatas at apat na bottled water."Okay na 'te. Tara, magdasal na tayo bago kumain," sagot naman ng kapatid ko kaya naupo kami. Pinangunahan ni mama ang pagdarasal bago kami nagsipagkain."Happy ba ang baby ko?" tanong ko sa cute at pogi kong anak na si Madrid. Malapad niya akong nginitian at tumango nang masigla dahil may nginunguya siyang pagkain."Alam mo, ate, talagang taimtim kung magdasal si Madrid kanin
Last Updated : 2025-07-11 Read more