MASAYANG nag-uusap si Erin at Dorothy sa terrace. Isinasalaysay ng ginang kung gaano kabibo si Tyler noong bata pa. Lagi itong nasa top sa klase. Marami pa itong sinabi na ikinatuwa niya. "Siyanga pala, iha, huwag mong kalilimutang dumalo sa birthday ko. Two months pa naman bago ang birthday ko, pero mabuti na yung nasasabi ko sa iyo nang maaga." "Sige po ba," walang pakundangang tugon niya. "Sasabihin ko rin kay Tyler." Ngumiti siya sa ginang. Mayamaya pa ay sumulpot si Katrina, may dala itong tasa ng tsaa. "Ma, para sa iyo po." Inilapag nito ang hawak na tsaa sa harapan nila. "Salamat, Katrina. Nag-abala ka pa." "Wala naman po akong ginagawa." Umupo ito sa kabilang side ng ginang. "Uhm, ikaw ba, Erin, gusto mo rin ba? Masarap ang tea ni Mama." "Hindi ako mahilig sa tea, e. Sorry," tipid niyang tugon, saka ay tipid ngumiti. "Ah, okay. Walang problema." Nakaramdam siya ng tila pader nang dumating si Katrina. Kanina'y ayos lang sila ng ginang, ngayo'y itsapuwera
Baca selengkapnya