HUMINGA ng malalim si Erin. Nakaupo na siya sa sofa, hindi alam kung ilang minuto o oras siyang nawalan ng malay. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na ba siyang lumuha. Huminga siya ng malalim, tinitigan ang kabuohan ng bahay. Nang dumating siya, saya-saya niya sa bahay na ito. Sabi ni Tyler, bahay na rin daw niya ito, ngunit ngayon, hindi niya alam kung welcome pa ba siya sa bahay na ito. At kung dati, halakhakan ang maririnig sa bawat sulok, ngayon ay puro hinaing at pagtangis na lamang niya ang maririnig. Nawalan nang sigla, maging siya. Muli siyang napahinga at kahit masama ang pakiramdam ay tumayo siya, tinungo ang kusina. Nag-iisip ng mailuluto. "Kahit naman anong lutuin ko, ako lang ang kakain. Chicken adobo na lang para madal," aniya sa sarili. Binuksan na ang ref at kumuha ng iluluto. Bukod sa mga pang-ulam, maraming stock na pagkain ang ref, may fresh milk na binili ni Tyler para sa kaniya. Hindi siya sanay matulog ng hindi umiinom ng gatas at sa umaga ay iyon d
Read More