MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Erin kay Dorothy, aminin man niya o hindi, giliw na giliw siya sa ginang. Marahil, nami-miss niya ang kalinga ng isang ina. Hanggang sa nagsimula na ang party. Nagsalita ang ama ni Tyler, nagpasalamat sa pagtangkilik sa Green Ivory at maging sa bagong kasosyo sa negosyo... si Seb at Mr. Del Carmen. Luminga ang kaniyang paningin, hinahanap ang lalaking nagsama sa kaniya sa event na ito, pero hindi na niya ito mahagilap. Nang matapos ang ginoo, si Tyler naman ang humarap sa microphone. Tulad ng ama, nagpasalamat lang din ito. Tinawag nito si Seb, nasa sulok ang lalaki at may kausap sa phone. Matapos ang pasasalamat ng dalawa ay umalis na si Tyler sa harap ng mikropono. Tinanaw niya kung saan ito papunta. Palabas ito at sumunod si Katrina. Gumuhit ang pamilyar na kirot sa dibdib niya. Naalala pa niyang tinawag na 'honey' ni Katrina si Tyler."Well, congrats! Sila na palang muli," anas ng isipan niya. Pero hindi pa niya napapansin si Victor. "Kumusta kaya
Read More