Share

Chapter 108

Penulis: Celeste Voss
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-22 21:18:09
Clifford's POV

Sobrang sakit makita si Ivy na halos hindi na lumalabas sa kanyang kwarto. Dati, siya ‘yong babaeng laging nakangiti, laging nakapustura, at parang walang pagod sa tuwing haharap sa tao. Pero ngayon… ibang-iba. Para siyang multo ng sarili niya. Madalas ko siyang puntahan dito sa bahay nila, pero ni minsan hindi ko na siya nakausap nang maayos. Lagi siyang tahimik, malamlam ang mga mata, at kung hindi umiiyak ay nakatitig lang sa kawalan.

Ganun na ba niya talaga kamahal si Cayden para masira siya nang ganito? Ganun ba kalalim ang sugat na iniwan ng taong iyon? Nandito lang naman ako palagi para sa kanya. Ako na handang maghintay, handang umalalay kahit anong oras. Pero bakit parang wala akong halaga sa paningin niya?

"Clifford, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, masyado kang bata para sa akin," matamlay niyang wika. Ang boses niya ay halos pabulong na lamang, at ang dating pulang-pula niyang labi ay maputla na ngayon—tila ba may mabigat na dinadala.

Hindi ko na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
geraldinesg15919
this chapter is so lovely...️...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Chained by the Billionaire   Chapter 120

    Seraphina's POVPagkatapos naming kumain ni Cayden ay dumeretsu kami sa pamilihan ng mga gamit. Dito niya ako dinala isang mall na pagmamay-ari lang din niya. Yung mall niya kung saan puros branded ang mga binebenta kaya natitiyak kong hindi lang simpleng mga murang damit ang nandito. Nakapalibot sa amin ang kanyang mga security at naka-face mask din akong pumasok sa kanyang mall upang maitago ko ang aking mukha lalo na at nababalita pa din ang mga ginawa ni Cayden na hindi si Eunice ang kanyang fiancee. Saka lang kami nilubayan ng kanyang mga security nang makadating kami sa VIP area ng kanyang mall kung saan iilan lamang ang nakakarating dito dahil talagang puros mahal na ang nandito."Wifey, do you think maganda ito para sa baby?" nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Hindi ko akalain na dito niya pala ako dadalhin. Panay ang hila kasi niya sa akin."Cayden, hindi pa nga natin alam kung ano ang gender ng baby natin, saka pwede ba 2 months pa lang Cayden" paninita ko sa kanya

  • Chained by the Billionaire   Chapter 119

    Seraphina's POV"Kahit saan basta masarap. Gusto ko yung may sushi" parang naglaway ako bigla sa aking naisip. Napatitig ako sa kanya nang tumawa ito sa akin. Ang kanyang makakapal na kilay na gustong-gusto kong hawakan noon pa. Hindi ako nakapagpigil at mabilis kong hinawakan iyon."Wifey pinaglilihian mo na naman ako" nakangisi niyang wika sa akin. Sa kanyang sinabi ay parang nagbago ang mood ko sa kanya. Bigla akong nainis sa kanya. "Lumayo-layo ka nga sa akin. Bigla akong nabwisit sayo" naiinis kong wika sa kanya. Bigla naman itong lumapit sa akin saka ako niyakap."What did I do wrong baby? I'm sorry. Tara na, gutom na ako." malambing niyang wika sa akin saka ako hinalikan sa aking noo. Nakaramdam ako ng kilig sa kanyang ginawa hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang ginawa. Sana ganito na lang palagi. Naalis ang aking ngiti nang may pumasok ng walang paalam sa kwarto. Mas lalong sumama ang mukha ko."Cayden? Nandito ka lang pala. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo" napairap ako

  • Chained by the Billionaire   Chapter 118

    Allen's POV "I see. Mukhang nakikita ko ngayon ang pagkawalang kwenta mong asawa at ama. Wala man lang pagsisisi at pag-aalala na nakikita sayo para sa asawa mo" nang-iinsultong wika ni Lorcan sa matanda. Sinugod ko agad at pinatikiman ng isang malaking suntok ang matanda matapos nitong bigyan kami ng nakaka-inis na ngisi. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Ilalabas ko lahat ng baho mo" gigil kong wika sa kanya. Mabilis kaming inawat ng mga pulis nang aamabahan ko pa ng suntok ang matanda. "Iho, pasensyahan mo na ang asawa ko. Wag niyo nang dagdagan pa" muling paki-usap ng matandang babae habang mas tumindi ang kanyang pag-iyak. Napangisi akong tumingin sa matandang lalaki na nawala na ang ngisi sa kanyang mukha at nakaramdam ng takot. "Mukhang mayroon ka pang itinatago na baho tanda a" lumawak ang ngisi ko sa kanya nang akmang susugurin niya ako kahit na nakaposa pa. Mabilis siyang hinawakan ng mga pulis upang hindi na makapanlaban pa. "Walanghiya kayong mga bwisit ka

  • Chained by the Billionaire   Chapter 117

    Seraphina's POV Mabigat ang talukap ng aking mga mata nang unti-unti kong maramdaman ang malamig na hangin ng aircon at ang amoy ng alcohol na umaalingasaw sa paligid. Nang dumilat ako, puting kisame at puting ilaw ang bumungad sa akin. Napakagat ako sa labi nang maramdaman ko ang swero sa aking kamay at ang banayad na kirot sa aking tiyan. Nasa ospital. Nanikip ang dibdib ko, agad kong ipinatong ang aking palad sa tiyan ko. “Baby…” bulong ko, halos nanginginig sa kaba. Dalawang buwan pa lang siyang nasa sinapupunan ko, at sa murang panahong iyon ay napakaraming panganib na ang dumating. Lumapit ang isang nurse na may dalang chart. “Mrs. Deveraux, gising na po kayo. Huwag po kayong mabigla, stable naman po ang kalagayan niyo.” nangunot ang aking noo sa kanyang tinawag sa akin ngunit mabilis ko ding naalala ang batang nasa aking sinampupunan. “Ang baby ko?” mabilis kong tanong, halos hindi na ako makahinga sa kaba. Ngumiti ang nurse, banayad at mahinahon. “Buhay po at maa

  • Chained by the Billionaire   Chapter 116

    Seraphina’s POVHindi naging matiwasay ang aking gabi. Tinanghali na akong nagising kaya minabuti ko na lang na tawagan si Sir Lorcan at magpaalam na masama ang aking pakiramdam.Pagtingin ko sa aking mga messages ay naulan na naman ako ng mga text galing kay Cayden. Sinubukan ko muling kontakin sila Tita at Elara pero wala pa ring sumasagot sa kanilang dalawa.Mas lalo akong nagkaroon ng poot dahil sa ipinadala sa akin ni Cayden—larawan nilang magkasama ni Elara na kumakain sa mansion.Hindi naman niya siguro sasaktan ang kapatid ko, hindi ba? Pero ang mas inaalala ko ay kung bakit pati si Tita ay hindi rin sumasagot sa mga tawag at text ko."Wife, don't stress yourself. If you won't come here until 5 p.m., you know what will happen to your sister." Napahigpit ako ng hawak sa aking cellphone. Ang kapal talaga ng mukha niya. Anong ibig niyang sabihin? Sasaktan niya si Elara?Hindi ako nakatiis at tinawagan ko na naman siya, na agad naman niyang sinagot."Wifey," malambing niyang bulon

  • Chained by the Billionaire   Chapter 115

    Seraphina's POV Napawi ang ngiti sa labi ni Maicy sa ginawa ni sir Lorcan. "Sir, Seraphina started it. Kahit tanungin mo pa sila Daiane at Nika" ani nito sa akin. "Opo. Si Seraphina po talaga. Tatamad-tamad ayaw mag mop ng floor" wika ni Nika. "Excuse me sir. Are you the manager? Nakita naman lahat ng pangyayari" namutla sila Maicy at ang kanyang mga kaibigan nang mapansing hindi lang pala kami ang nandito. Hindi makapagsalita sina Maicy sa sinabi ng isa sa customer. "I'm so sorry for the inconvenience that my employees brought. Because of that you will have your orders free" paghingi ng paumanhin ni sir Lorcan sa mga customer. Mukhang natuwa naman sila sa offer ni sir Lorcan. "For now, maupo po muna kayo at kukunin ni Laira ang lahat ng orders niyo" nakangiti niyang wika sa kanila. "Its okay. Handa naman po kaming ikwento ang buong pangyayari and maybe this is the perfect time para magraise ng complain sa inyo" wika ng babae sa likod. Bale tatlo lang naman silang cust

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status