Share

Chapter 109

Author: Celeste Voss
last update Huling Na-update: 2025-08-22 21:18:25

Seraphina's POV

Buong araw na nasa coffee shop si Clifford. Ang ipinagpapasalamat ko lang ay hindi niya ako pinepeste. Pero ang nakaka-inis ay yung bagong number na text nang text sa akin. Kada minuto ay kung anu-ano ang pinapadala—mga salita ng pananakot, minsan naman puro mga bagay na walang kabuluhan. Kapag tatawagan ko naman, hindi sinasagot. Nakakaubos ng pasensya.

“Siguro mas maigi kung i-block ko na,” ani ko sa sarili habang bitbit ang mga pagkain. Tinamad na akong magluto, kaya bumili na lang ako.

Pagdating ko sa boarding house, naroon na naman ang mga tambay na nag-iinuman sa baba. Nakatira sila sa unang palapag, habang ako naman ay nasa pangatlo.

“Hi, miss,” bati ng isa, pero hindi ko pinansin.

“Ang snobber mo naman,” sabat ng isa pa, sabay harang sa daan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang katawan niyang puro tattoo, halos payat na payat at nakahubad. Nakakadiri ang itsura niya lalo’t nangingintab ang mga mata na tila wala sa wisyo.

“Makikiraan po,” mahina kong t
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Salvacion Vargas
nako bumalok na sa mansion nkakatakotjan bka balikan n cardo
goodnovel comment avatar
Ian Dave Salceda Alupit
more update po dito please
goodnovel comment avatar
geraldinesg15919
medyo boring ito pero good job pa rin for the updates ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Chained by the Billionaire   Chapter 119

    Seraphina's POV"Kahit saan basta masarap. Gusto ko yung may sushi" parang naglaway ako bigla sa aking naisip. Napatitig ako sa kanya nang tumawa ito sa akin. Ang kanyang makakapal na kilay na gustong-gusto kong hawakan noon pa. Hindi ako nakapagpigil at mabilis kong hinawakan iyon."Wifey pinaglilihian mo na naman ako" nakangisi niyang wika sa akin. Sa kanyang sinabi ay parang nagbago ang mood ko sa kanya. Bigla akong nainis sa kanya. "Lumayo-layo ka nga sa akin. Bigla akong nabwisit sayo" naiinis kong wika sa kanya. Bigla naman itong lumapit sa akin saka ako niyakap."What did I do wrong baby? I'm sorry. Tara na, gutom na ako." malambing niyang wika sa akin saka ako hinalikan sa aking noo. Nakaramdam ako ng kilig sa kanyang ginawa hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang ginawa. Sana ganito na lang palagi. Naalis ang aking ngiti nang may pumasok ng walang paalam sa kwarto. Mas lalong sumama ang mukha ko."Cayden? Nandito ka lang pala. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo" napairap ako

  • Chained by the Billionaire   Chapter 118

    Allen's POV "I see. Mukhang nakikita ko ngayon ang pagkawalang kwenta mong asawa at ama. Wala man lang pagsisisi at pag-aalala na nakikita sayo para sa asawa mo" nang-iinsultong wika ni Lorcan sa matanda. Sinugod ko agad at pinatikiman ng isang malaking suntok ang matanda matapos nitong bigyan kami ng nakaka-inis na ngisi. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Ilalabas ko lahat ng baho mo" gigil kong wika sa kanya. Mabilis kaming inawat ng mga pulis nang aamabahan ko pa ng suntok ang matanda. "Iho, pasensyahan mo na ang asawa ko. Wag niyo nang dagdagan pa" muling paki-usap ng matandang babae habang mas tumindi ang kanyang pag-iyak. Napangisi akong tumingin sa matandang lalaki na nawala na ang ngisi sa kanyang mukha at nakaramdam ng takot. "Mukhang mayroon ka pang itinatago na baho tanda a" lumawak ang ngisi ko sa kanya nang akmang susugurin niya ako kahit na nakaposa pa. Mabilis siyang hinawakan ng mga pulis upang hindi na makapanlaban pa. "Walanghiya kayong mga bwisit ka

  • Chained by the Billionaire   Chapter 117

    Seraphina's POV Mabigat ang talukap ng aking mga mata nang unti-unti kong maramdaman ang malamig na hangin ng aircon at ang amoy ng alcohol na umaalingasaw sa paligid. Nang dumilat ako, puting kisame at puting ilaw ang bumungad sa akin. Napakagat ako sa labi nang maramdaman ko ang swero sa aking kamay at ang banayad na kirot sa aking tiyan. Nasa ospital. Nanikip ang dibdib ko, agad kong ipinatong ang aking palad sa tiyan ko. “Baby…” bulong ko, halos nanginginig sa kaba. Dalawang buwan pa lang siyang nasa sinapupunan ko, at sa murang panahong iyon ay napakaraming panganib na ang dumating. Lumapit ang isang nurse na may dalang chart. “Mrs. Deveraux, gising na po kayo. Huwag po kayong mabigla, stable naman po ang kalagayan niyo.” nangunot ang aking noo sa kanyang tinawag sa akin ngunit mabilis ko ding naalala ang batang nasa aking sinampupunan. “Ang baby ko?” mabilis kong tanong, halos hindi na ako makahinga sa kaba. Ngumiti ang nurse, banayad at mahinahon. “Buhay po at maa

  • Chained by the Billionaire   Chapter 116

    Seraphina’s POVHindi naging matiwasay ang aking gabi. Tinanghali na akong nagising kaya minabuti ko na lang na tawagan si Sir Lorcan at magpaalam na masama ang aking pakiramdam.Pagtingin ko sa aking mga messages ay naulan na naman ako ng mga text galing kay Cayden. Sinubukan ko muling kontakin sila Tita at Elara pero wala pa ring sumasagot sa kanilang dalawa.Mas lalo akong nagkaroon ng poot dahil sa ipinadala sa akin ni Cayden—larawan nilang magkasama ni Elara na kumakain sa mansion.Hindi naman niya siguro sasaktan ang kapatid ko, hindi ba? Pero ang mas inaalala ko ay kung bakit pati si Tita ay hindi rin sumasagot sa mga tawag at text ko."Wife, don't stress yourself. If you won't come here until 5 p.m., you know what will happen to your sister." Napahigpit ako ng hawak sa aking cellphone. Ang kapal talaga ng mukha niya. Anong ibig niyang sabihin? Sasaktan niya si Elara?Hindi ako nakatiis at tinawagan ko na naman siya, na agad naman niyang sinagot."Wifey," malambing niyang bulon

  • Chained by the Billionaire   Chapter 115

    Seraphina's POV Napawi ang ngiti sa labi ni Maicy sa ginawa ni sir Lorcan. "Sir, Seraphina started it. Kahit tanungin mo pa sila Daiane at Nika" ani nito sa akin. "Opo. Si Seraphina po talaga. Tatamad-tamad ayaw mag mop ng floor" wika ni Nika. "Excuse me sir. Are you the manager? Nakita naman lahat ng pangyayari" namutla sila Maicy at ang kanyang mga kaibigan nang mapansing hindi lang pala kami ang nandito. Hindi makapagsalita sina Maicy sa sinabi ng isa sa customer. "I'm so sorry for the inconvenience that my employees brought. Because of that you will have your orders free" paghingi ng paumanhin ni sir Lorcan sa mga customer. Mukhang natuwa naman sila sa offer ni sir Lorcan. "For now, maupo po muna kayo at kukunin ni Laira ang lahat ng orders niyo" nakangiti niyang wika sa kanila. "Its okay. Handa naman po kaming ikwento ang buong pangyayari and maybe this is the perfect time para magraise ng complain sa inyo" wika ng babae sa likod. Bale tatlo lang naman silang cust

  • Chained by the Billionaire   Chapter 114

    Seraphina's POV Buong araw kaming tatlo na nagbonding. Lumabas din kami papuntang mall kahit na natatakot akong baka makita ni Cayden pero mukhang safe naman kasi busy sila ni Eunice. "Nag-enjoy po ako ate, tita" maligayang wika ni Elara. "Talaga? Ako din" nakangiting tugon ko sa kanya "Haynaku kung kayo nag-enjoy, nag-enjoy naman ako pero parang masakit ngayon ang balakang ko" nagtawanan kaming dalawa ni Elara dahil sa sinabi ni tita Sita. "Bigyan na lang kita ng masarap na masahe tita" paglalambing ni Elara sa kanya. "Oo nga tita. Kung gusto mo kabilaan pa" "Naku kayong dalawa. Hindi ka ba uuwi ngayon? Abay malapit nang magdilim" nag-aalalang wika ni tita sa akin. "Parang tinamad na ako umuwi tita. Sunday naman bukas" Wala din naman kaming pasok bukas dahil sarado tuwing linggo yung coffee shop ni Clifford. "Oh siya. Ako'y magluto n--" "Wag na tita. Ako na. Magpamasahe ka na lang kay Elara" pagpipigil ko sa kanya dahil halata ko sa mukha niya ang pagod. "Sigura

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status