Magpahinga ka na, Clairox. Maaga pa tayo bukas,” mahinahong saad ni Roxiel habang nakatayo sa may pintuan, bahagyang natatabunan ng dilim ang kalahati ng kanyang mukha. “Eh, ikaw?” tanong ni Clairox habang nakahiga sa kama ngunit nakasandal ang ulo sa headboard. “Hindi ka pa ba magpapahinga, kambal?” Sandaling natahimik si Roxiel. Umihip ang malamig na hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana, dahilan para marahang gumalaw ang kurtina. Sa likod ng kanyang mga mata, tila may iniingatang lihim. “May pupuntahan lang ako sandali,” sagot niya, pilit na pinananatiling kalmado ang boses. Pero agad na kumunot ang noo ni Clairox. “Pero… kararating mo lang. Hindi ka pa nga nakikita ni Mama at Papa, eh.” Bahagyang napalingon si Roxiel. “Nasaan ba sila?” “Umalis sila kanina,” sagot ni Clairox. “Nakabihis sila parehas ni Mama… mukhang magde-date sila ngayong Valentine’s.” Napahinto si Roxiel. Sa unang pagkakataon, may kakaibang emosyon na dumaan sa kanyang mukha—isang bagay na h
Last Updated : 2026-02-14 Read more