Ako... buntis?" sambit niya sa sarili, halos hindi marinig. Mahina niyang pinihit ang doorknob, at pagbukas ng pinto, unang bumungad sa kanya ang mukha ni Dark—namumutla sa pag-aalala, ngunit agad itong lumiwanag nang masilayan siya. Walang salitang lumabas. Sa halip, niyakap siya ni Dark—mahigpit, puno ng init at pag-aalala. Ramdam ni Roxane ang lakas ng tibok ng puso nito, na parang gustong tumbasan ang sariling kabog ng dibdib niya. "Anong ginagawa mo...?" mahina niyang tanong, habang pilit pinapanatili ang layo nila. "Kakatapos ko lang magsuka... Hindi ka ba nandidiri sa’kin?" Dumukwang si Dark, hinawakan ang magkabilang pisngi ni Roxane, at tiningnan siya nang diretso—walang alinlangan. "No. Never." bulong niya, dahan-dahang idinampi ang kanyang labi sa noo ni Roxane. "Wala kang kailangang ikahiya, Roxane. Mahal kita. At kung may pagkakataon akong patunayan ‘yon araw-araw, buong puso kong gagawin. Lalo na ngayon na may dalang buhay ang katawan mo... anak natin." Napasinghap
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya