Tumahimik lang si Dark, pinakatitigang mabuti si Roxane na tila ba may hinahanap sa kanyang mga mata—kumpirmasyon, pag-amin, o kahit isang pahiwatig man lang ng damdamin na pareho nilang pilit ikinukubli. Sa bawat segundo ng katahimikang ‘yon, para bang bumagal ang mundo sa pagitan nila. Pagkalipas ng ilang sandali, huminga si Dark nang malalim at muling nagsalita, may bahid ng lambing at pag-aalalang hindi niya kayang ikubli. “Pwede ba akong magpaalam sayo sandali?” mahinahong tanong niya. “Hindi naman ako magtatagal… may aasikasuhin lang akong mahalagang bagay.” Biglang sumikip ang dibdib ni Roxane. Para bang may kung anong malamig na hangin ang dumaan sa loob ng silid at nagdulot ng kaba sa kanyang dibdib. “Shit,” usal niya sa isip. “Parang ayoko siyang paalisin. Bakit ganito? Bakit parang ang bigat-bigat sa dibdib ko? Ano bang meron, Roxane?” Pinilit niyang ngumiti, ngunit kapansin-pansin ang pag-iwas niya ng tingin. “Sige,” aniya, medyo pa-hina ang boses. “Umalis ka. Pero
Terakhir Diperbarui : 2025-08-07 Baca selengkapnya