Pasado alas singko na ng umaga nang magising ang buong Villamonte Mansion—mapa-maid, driver, o hardinero, gising na’t abalang-abala sa kani-kanilang gawain. Pero sa master's bedroom… “Good morning, Honey… Kumusta ang gising mo?” malambing na tanong ni Dark habang dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata. Nasa harapan niya ngayon si Roxane—ang dalagang kagabi lang ay kaaway niya sa kama, pero ngayon ay nakayakap na sa kanya na parang stuff toy. Nakasampay pa ang isang hita nito sa kanyang binti, at ang mukha ay nakabaon sa kanyang dibdib. Muntik na siyang mapasinghap—hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa lapit ng tuhod ni Roxane sa kanyang ‘mala-dragon’ na alaga na, sa kasamaang-palad, mukhang nagising na rin. “Eto na naman tayo…” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sarili. Pero si Roxane? Walang kamalay-malay. Sa halip na magising, mas lalo pa siyang dumagan kay Dark na para bang sinasabing, ‘Huwag mo akong babangunin, wala akong pakialam kung sumikat na ang
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya