Simula
POV: Joey Dimaapi
***
Kulang na lang sumayad ang bunganga ko sa lupa nang makita ang bahay na tinutukoy ng tunay ko raw na ama.
Si Guiller Almazan.
Ipinasundo niya ako nito matapos ang libing ng ermat ko. Hindi ko alam mayaman pala ito. ‘Di kasi halata kanina dahil sa gurang nang itsura nito. Punong-puno ba naman ng makapal na bigote at balbas na halos lamunin na ang buong mukha nito.
Lihim naman akong napabuntong hininga.
Lalo nan ang may kaunting kirot ang dumaan sa dibdib ko. Kung alam ko lang baka lumapit na ako para maipagamot si Nanay.
Napailing na lamang ako.
Hindi bagay ang drama sa akin. Kaya move on lang.
Tsaka ano pa nga bang magagawa ko? Eh, ganyan talaga ang buhay. Malungkot man pero wala na akong magagawa pa.
Isa pa…
“Why is she living here with us?” Dinig kong tanong ng asawa ng erpat ko.
Halata sa boses nito ang pagkadisgusto sa naging desisyon ng asawa nito. Bakit naman hindi? Eh, anak ba naman ako sa ibang babae ng asawa nito. Ewan ko lang kung hindi ito magbalik tanaw sa kahapon.
Ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit dito ako dinala ng tatay ko. Pwede namang ikuhanan na lang niya ako ng bahay. Tutal, mukhang bigatin naman ito. Bakit dito pa? Ano namang kayang kaastigan ito?
“Mariebeth, please understand,” pakiusap ni erpat sa babaeng halos lamunin na ng alahas dahil sa dami ng suot nito.
Kulang na lang pati ngipin nito may ginto.
Sana kasing kinang din ng mga ito ang budhi nito pero mukhang olats ang drama ko nito. Dahil tingin pa lang, halata na ang pandidiri nito sa akin.
Napakamot na lamang ako ng ulo. Gusto kong magsalita para sabihing naligo naman ako at nagsipilyo pa pero baka bugahan naman ako nito ng apoy.
“Uhm, okay ka lang ba, Joey?” tanong nung babaeng hula ko ay halos kaedad ko lang.
Pinakilala siya ni erpat kanina. Ito pa nga ang sumalubong sa amin bago dumating ang nanay nito. Mukha naman itong mabait pero hindi ako komportable sa kanya.
Paano ba naman para itong prinsesita sa sobrang hinhin at sobrang puti! Baka kapag nagsalita ako bigla na lang itong liparin. Ang lakas pa naman ng boses ko. Hindi ko nga lubos maisip kung paano nito naging nanay ‘yong babaeng ang lakas-lakas ng boses na halata namang nagpaparinig pa sa akin simula pa kanina.
Tumango na lamang ako para wala nang iba pang maraming paliwanag. Pero trip yata akong interview-hin nitong kapatid kong hilaw.
Ano nga ulit ang pangalan nito? Marin? Maris? Mayet?
Dyahe! Hayaan na nga! Kahit kailan talaga hindi astig ang paglimot ko sa mga pangalan.
“I’m sorry about this,” sabi nito na tila nahihiya pa.
Hindi ko naman mapigilan ang pagtaas ng kilay. Bakit ito nag-so-sorry eh wala naman itong kasalanan? Hay, naku! Ayoko talaga ng ganitong kadramahan. Baka umiyak pang bigla ito, kasalanan ko pa. Baka wala pa man ay bigla na lang akong palayasin ng nanay nito.
Hindi pwede.
Siguradong wala na akong babalikan pa sa dati naming tinitirhan ni Nanay. Oo nga’t nabayaran na ‘yon ng erpat ko pero halos isumpa pa nga kami nang landlady na si Aling Biling doon eh.
“’Yaan mo na lang sila. Sanay na ako sa mga ganyang sigawan,” tila walang pakiaalam na sabi ko na lang saka ako nagkibit balikat.
Buti nga walang batuhan pa ng mga gamit ang ganap sa kanila. Sayang naman. Mukhang mamahalin pa naman mga gamit nila rito.
Napakurap-kurap naman ito habang nakatingin sa akin. Tila may gusto pa itong sabihin ng bumalik na ang dalawang matanda sa harap namin.
Tulad kanina ay matalas pa rin ang mga mata ni Aling Mariebeth sa akin. Pero wala na akong pakialam. Hindi naman ako apektado sa mga pasaring nito.
Mukhang tapos na silang mag-usap dahil nakahalukipkip na si Aling Mariebeth at galit ang mukhang nakatingin sa akin. Si erpat naman, hayon at nakayuko lang. Mukhang under na under ang drama.
“Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.”
Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa bilis nitong magsalita. Nag-fli-fliptop ba ‘to? Pero napakamot na lamang ako ng ulo.
“Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth.
Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo ko saka ako mabagal na napalunok.
“Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad ko rito.
Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay kaagad inutasan ni erpat si Maxine – na pangalan pala ng hilaw kong kapatid – na dalhin na lamang ako sa magiging kwarto ko. Kaagad naman itong tumalima at halos kaladkarin ako paalis sa sala ng mansiyon.
Naiwan sina erpat na tila inaalo ang halos mamula na sa galit na si Aling Mariebeth.
Aba?! Ano na namang ginawa ko? ‘Di na ba pwedeng magtanong? Hindi ko nga maintindihan ang mga pinagsasabi nito eh. Hirap na nga ako sa Ingles may pa-slang-slang pa itong nalalaman. Eh, ‘di ang ending nganga na lang ako.
“Ano bang sinabi ng ermat mo?” Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong magtanong kay Maksin.
Nangunot naman ang noo nito habang nakatingin sa akin. Ang ganda talaga nito. Parang manikang mamahalin.
“Ermat? Ano ‘yon?”
Napangiwi ako. Masyado naman yatang taong bahay ito at walang alam sa buhay sa kalye ah. Nag-enjoy kaya ito noong bata pa ito? Napailing na lamang ako.
“Ermat. Nanay. Ina. Mama. Mommy?” Patanong ring sagot ko na para bang kaunting-kaunti na lang ay dudugo na ang mga ugat ulo ko sa ka-inosentehan niya.
“Ahhh,” napatango-tango namang sabi ng prinsesita saka mala-anghel na ngumiti.
Gusto ko tuloy masuka!
“Sabi ni Mommy, kailangan mo raw pumasok sa Ember University at pumasa sa mga exams para makapag-stay ka rito,” nakangiti pang paliwanag nito.
Samantalang ako naman ay napanganga.
“A-Ano’ng sabi mo? Ako? Papasok sa pang-mayamang eskwelahang ‘yon? Nahihibang ka na ba? Ni hindi ko nga maintindihan ang pagsasalita kanina ng ermat mo nang ingles. Tapos gusto pa niya, mapasa ko lahat ng exams? Nagpapatawa ba siya?” Mabilis na pagbubunganga ko sa kanya.
Halata naman ang gulat sa ekspresyon ng mukha nito. Saka iyon napalitan ng pag-aalala. Samantalang ako at heto’t namomroblema na. Pero ang kapatid kong hilaw ay tila may naisip na paraan.
“Alam ko na! May ipapakilala ako sa’yo bukas,” masayang anito saka na ako dinala sa magiging kwarto ko.
***
Halos hindi pa ako nakakatulog nang kinatok na ako ni Maksin sa kwarto at sinabing mag-ayos na ako.
“Bakit ba ang aga natin?” Naiinis nang tanong ko habang papalabas ng magarang kotse ni erpat.
Aba! Kakaidlip ko lang nga nang bigla akong bulabugin nito. Hindi ko na nga matanggap na kulay pink lahat ng gamit ko sa kwarto. Masyado pang malambot ang kama. Hindi ako sanay at mas lalong hindi ko gusto ang pink! Dyahe! Parang nawala ang kaastigan ko nito.
“Baka kasi makita tayo ni Mommy. Isa pa kailangan mong makilala ang mag-tu-tutor sa’yo,” paliwanag nitong si Maksin.
Kaagad namang naging lukot ang mukha ko.
“Tutor?”
“Oo. Kailangan mo ng tutor para makapasa ka dito sa Ember University. Huwag kang mag-alala, mabait naman siya,” nakangiti pang paliwanag nito sa akin na para bang ito na ang sagot sa lahat ng problema.
Napabintong hininga na lang ako. Ano pa nga ba? Buti nga tinutulungan ako nito. Choosy pa ba ako?
Saka biglang napatingin sa akin ang mahinhin kong kapatid na hilaw.
“Bakit?” Astig na tanong dahilan para mapalunok itong bigla.
“Uhm, wala, wala.” Anito saka umiling-iling pa.
“’Di bale magkaka-uniform ka naman na next week. Tsaka siguro bibili na lang din tayo ng mga damit mo at-”
“Teka, teka… ‘Di ko kailangan ‘yan. Gastos lang ‘yan. Wala akong pera.” Walang ganang sabi ko.
“Libre ko-”
“Wala nang libre sa mundo.” Pambabasag trip ko.
Aba! Totoo namang wala nang libre sa mundo. Isa pa, ayoko ngang magpabili ng libre dito. Una, baka bugahan ako ng apoy ng ermat nito. Ikalawa, baka puro pink pa ang bilhin nito. At ikatlo, hindi kami close.
Wala nang nagawa pa si Maksin kung hindi ang mapabuntong hininga, lalo pa nang pinikit ko na lang ang mga mata ko para tapusin ang gusto niyang pag-usapan pa namin.
***
Halos mahulog ang mga mata ko nang makarating kami sa Ember University.
Ni sa hinagap, hindi ko akalaing makakatuntong ako rito.
Grabe! Ang astig!
Kaso kadarating ko palang ay amoy na amoy ko na ang pang-mayamang amoy ng mga tao rito. Napaismid na lang ako habang sinusundan ang hilaw kong kapatid. Buti na lang at wala pang masyadong tao.
“Ivan!”
Biglang sigaw nitong si Prinsesita sa tabi ko. Okay naman pala at marunong ding sumigaw ang isang ito. ‘Yong nga lang magpakamahinhin lang.
Napatingin naman ako sa kinakawayan nito. Gusto kong ngumiwi dahil sa lalaking papalapit sa amin. Literal naman kasing mahilig mag-aral ang isang ito. Paano ba’t pagkalaki-laki ng salamin nito sa mata. Mukhang bao pa ang buhok. Pero at least kahit papaano ay mas matangkad ito ng kaunti sa akin. Pero payat at mukhang lampa.
In short, matalino ang mokong pero pang-loser ang itsura.
May ganito rin naman palang tao dito sa Ember University? Akala ko kasi puro mga pa-cute lang ang mga nandito.
“Ivan, ito nga pala si Joey, kapatid ko. Joey, si Ivan. Siya ang magiging tutor mo.” Pakilala ni prinsesita.
“Wazap, bro.” Malamig na bati ko rito pero ang ending – napatanga na lamang ito sa harap ko.
Dyahe! May matutunan kaya ako rito?
Parang takot pa nga itong tumingin sa akin eh.
Kabanata 11Special***POV: Joey Dimaapi“Sa susunod, huwag mo na lang pansinin sina Rena…”Iyon kaagad ang entrada ni Ivan pagkapasok pa lamang nito sa sundo nitong sasakyan.Pers taym kong makasakay sa sasakyan nito dahil sasama ako sa kanya sa bahay nila.Kailangan na naming mag-double time sa pag-re-review dahil madami pa akong kailangang gawin at aralin.Iyon din ang desisyon ni Ivan lalo pa at hindi pwedeng sa may benches ulit kami dahil medyo marami-rami raw kaming aaralin. At kailangan namin ng ‘preferences’… o ‘prefixes’… Ah! Basta ‘yon! Mga libro dawn a kung ano-anong sinasabi nitong pamagat.Bahala siya diyan.Iniisip ko pa lang kasi napupuno na ang utak ko.Lalo pa itong pinagsasabi nitong bigla.Kunot noo ko siyang tiningnan. Kung may nag-pa-pop sigurong ulap sa ulo ko baka may malaking question mark na doon.“Sino’ng Reyna?” Balik-tanong ko naman dito habang umaandar ang sasakyan.Kunot noo naman niya akong tiningnan na tila hindi nito naintindihan ang sinabi ko.Mukhan
Kabanata 10Bago***POV: Joey DimaapiIlang araw ko nang laging kasama si Ivan. At masasabi kong nasanay na rin ako sa presensiya niya.Aba, ang loko mukhang sanay na rin. Madalas nga ay pinapagalitan na rin ako nito.Mukhang feeling astig na rin ito kung makabatok sa akin minsan.Mabuti naman at hindi na kami masyadong pinag-t-trip-an nung Donald Itik na ‘yon.Siguro ay kinausap ni Prinsesita. Minsan kasi nakita ko silang magkasama sa canteen. Mukhang batang pinagalitan ng nanay ang itsura niya.Pero noong nakita ako, para namang mangangain ng buhay.‘Yaan na nga. Bahala na sila sa buhay nila. Basta ako masaya ako kasi kahit papaano ay naiintindihan ko na ang iba sa mga lessons sa klase. Iba’ng klase talaga si Ivan. Pero mas ibang klase ako.‘Faster to learn’ yata ‘to.Napakamot ako ng ulo nang maisip na parang may mali sa sinabi ko. ‘Yaan na nga. Same-same naman ang ibig sabihin nun.Pagpasok ko pa lang sa classroom, marami nang parang mga bubuyog na nagkukumpol-kumpulan sa harapan
Kabanata 9Mata***POV: Joey DimaapiIsang pilit na ngiti ang pinakawalan ko saka ako malalim na bumuntong hininga nang sa wakas ay nasa loob na ako ng library ng mga Dela Fuente.Mabait sina Tita Via at Tito Ian – ang mga magulang ni Ivan.Sinabihan pa nga akong ‘yun na lang ang itawag ko sa kanila.Napaupo na lang ako sa isang swivel chair habang nag-re-recharge ng energy ko. Halos hindi ko masabayan si Tita Via sa kakulitan nito. Pero sa magandang paraan naman. Mukhang na-mi-miss naman nito ang unica hija nitong nag-aaral daw sa ibang bansa.Unang beses kong nalaman na may kapatid pala itong si Ivan.Sabagay, hindi naman kasi ito palakwento.Isa pa, hindi naman ako ganoong kachismosa.Kung ayaw nitong magkwento sa buhay nito, wala akong pakialam. Isa pa, ayoko rin naman ng kadramahan sa buhay kaya hindi rin ako nagtatanong pa.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.Naiwan pa si Ivan kasama ng Mommy at Daddy nito sa baba dahil may mga kung anong bilin pa ang mga ito.Hindi
Kabanata 8Magulang***POV: Joey DimaapiMabilis na lumipas ang isang buong linggo at halos mangarag na ako ng bongga dahil sa sobrang pagkapuno ng utak ko ng mga lessons.Dyahe!Paano naman?Bukod sa klase ko sa Ember University ay may tutorial sessions pa ako kasama si Ivan.Oh, ‘di ba?Para naman akong genius nito.Hindi na natuloy ang pagpunta ko sa bahay nila Ivan dahil na din sa mga pinagsasabi ko rito.Hindi ko naman mapigilang mapangisi nang maalala ang pagkakasabi nito ng ‘assumera.’ Nakaka-laugh trip pa rin talaga.Pero nitong umaga lang, nakatanggap ako ng text rito na hindi ito makakaalis ng bahay dahil nandoon ang parents nito at hindi siya pinayagang umalis ng bahay.Dyahe naman!Ano siya?Grade schooler?***To: IvanAq n G jan.***Hindi kasi pwedeng wala akong gagawin ngayon.Mukhang may meeting si Prinsesita at ayaw kong maiwan sa malaking mansiyon na ‘yun dahil balita ko sa mga katulong ay hindi aalis ng mansiyon si Aling Mariebeth.Ayaw kong mapagbuntunan na naman
Kabanata 7Gusto***POV: Joey Dimaapi“Ba-o?” Mahina at mabagal na pag-uulit ni Ivan sa sinabi ko.Napatango-tango naman ako habang hawak-hawak ko ang tiyan ko dahil sa sobrang kakatawa.“You mean… A coconut shell?” Pag-i-ingles na naman ni Ivan.Pero wala akong pake.Eh sa natatawa ako eh.Bentang-benta kasi sa akin ang inside joke ko.Grabe! Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling natawa ng ganito.Sobrang laugh trip kasi talaga ‘tong si Ivan.Napatango na lang ako saka napailing naman ito.“You are crazy, Joey. Why would you compare me to a coconut shell?” Tila inosenteng tanong nito sa akin.Pero nanginginig na naman ang balikat ko sa nagbabadyang pagtawa.Kaya tinuro ko na lang ang buhok nitong parang bao ang gupit.Dyahe!May hati pa sa gitna. At bagsak na bagsak pa!Mas may taste pa sa gupit sina Jose Rizal kaysa rito kay Ivan.Napahawak naman si Ivan sa buhok nito saka namula.“Stop talking to me like that. I didn’t know that you are really a bully.” Biglang paanas na sa
Kabanata 6Assumera***POV: Joey DimaapiMatalim ang mga matang nakatingin pa rin si Ivan sa akin dahil sa namumula nitong pisngi.Masyado kasing maputi ang mokong kaya bumakat ng kaunti sa mukha nito ang umigkas na kamay ko kanina.‘Di ko naman sinasadya.Nagulat lang.Pero hindi ko kasi akalain na sa payat niyang ‘yan ay mabigat pala ang mokong. Idagdag pa na nadulas pa ito. Dyahe! Kalampahan nga naman.Nasampal niya tuloy ito nang ‘di oras.Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang biglang nag-flashback sa isipan ko ang pagkakalapit ng mga mukha namin kanina.Awtomatiko naman ipinilig ko ang ulo at pilit na iwinaksi ang biglang rumehistro sa isipan ko.Kadiri!Bakit ko ba naisip ‘yon?Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka tumitig sa notebook na nasa harap ko.Dyahe! Hindi nakakaastig ‘to!Para akong nalulula sa mga numerong nakasulat.Pwede bang 1 + 1 na lang?Bakit ba kailangan pa ng mga letters?Buti sana kung babasahin lang.Kailangan pang hanapin ang valu