⚠️ Trigger Warning: This story contains themes of manipulation, betrayal, psychological abuse, and mature content.THIRD PERSON:Tahimik lamang ang dalawang sina Ethan at Isabella habang nakaupo sa kanilang pwesto. Wala ni isang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Nanatili lamang silang nakatunghay sa kabuuan ng venue—ang iba'y abala na sa mga lamesa ng casino, ang ilan nama’y nanonood sa babaeng kasalukuyang tumutugtog ng piano sa gitna ng entablado.Ang bawat nota ng piano ay tila musika lamang para kay Isabella, ngunit para kay Ethan, tila tunog ito ng nabubuong panganib.Hindi pa rin lumilingon si Isabella sa kanyang asawa. Wala siyang balak makipag-usap. Sa halip, nanatili ang kanyang tingin sa pianistang tila nilalamon ng ilaw ng atensyon. Samantalang si Ethan ay di mapakali—panay ang sulyap sa paligid, lalo na sa itaas na bahagi ng venue kung saan naroon ang mga VIP lounges.Mula sa taas, aninag ang mga siluetang lalaki na nakatayo sa harap ng salaming bintana, tila nagmam
Last Updated : 2025-07-24 Read more