⚠️ This chapter contains mature themes. Reader discretion is advised. 18+ISABELLA POV:“Sa–salamat,” bulong ko, halos hindi marinig. Napayuko na lang ako, pilit iniiwas ang mata ko sa kaniya.Pero ilang segundo lang ang lumipas nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko.Napaangat ang tingin ko sa kaniya, at doon ko siya muling nasilayan nang malapitan—matatalim ang mga mata, bahagyang nakakunot ang noo, parang inaaral ang bawat reaksyon ko. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang hinlalaki, humagod sa gilid ng pisngi ko, pababa sa panga.“Bakit parang natatakot ka na naman sa’kin, Bella?” aniya sa mababa at paos na boses, halos bulong—pero diretso sa tenga ko, at tila may kakaibang epekto sa katawan ko.“Hi-hindi naman…” Mahina kong sagot, pero alam kong hindi siya naniniwala.“Hindi mo kailangang matakot…” bulong niya, habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang lumapat sa bewang ko. Hinila niya ako palapit—walang pwersa, pero sapat para mawala ang espasyo sa pagitan naming da
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya