THIRD PERSON:"Asan na ang boss mo?" malamig ngunit matalim ang tanong ni Isabella, habang nakatitig sa lalaking nakabantay sa hallway."Sa kanyang opisina po, Ma'am Isabella," sagot nito agad, bahagyang yumuko bilang paggalang.Humakbang na si Isabella, diretso at walang pag-aalinlangan, papunta sa opisina ni Sebastian. Ngunit mabilis siyang hinarang ng tauhan, bahagyang iniunat ang braso upang pigilan siya."Ma'am, meron po kasing ginagawa si Boss—importante po—"Isang matalim na tingin mula kay Isabella ang agad na nagpatahimik dito. Hindi man siya kasing laki o tikas ng katawan ng lalaki, ngunit ang presensyang taglay niya ay tila sapat na para mapasuko ito. Yumuko na lamang ang lalaki, animo'y sundalong nabigo sa misyon. Walang nagawa kundi magdistrungka sa gilid at pagbuksan siya ng pinto.Dumiretso si Isabella, at bumungad sa kanya ang tanawing hindi na siya ikinagulat—si Sebastian, nakasubsob sa dami ng papel sa mesa, seryoso at malalim ang iniisip. Ngunit hindi na siya nag-aks
Last Updated : 2025-08-04 Read more