Nangunot ang noo ni Jaira at hindi natuwa sa narinig. "Dalhin mo ako sa silid niya ngayon din!" Nagpumilit si Jaira na maka bangon."Hey, teka at baka mapaano ka." Pinigilan ni Faredag na bumangon ang pinsa. "Tsk, dapat hindi ko na sinabi sa iyo.""No please, dalhin mo ako sa silid ni Arthur ngayon!" Pagpumilit ni Jaira."Sandali lang naman at baka maskatan ka. Tawagin ko lang ang nurse upang tulungan ako." Tarantang ani Faredah. Sa kaniya talaga pinaunaya ng parents ni Jaira ang pag alaga dito sa araw upang hindi maboring ang pinsan at siya ang kausap. Sa gabi naman ay ina nito ang ang nagbabantay dito saka ang katulong. Mariing naipikit ni Jaira ang mga mata at pilit pinakakalma ang sarili. Baka kasi bigla na namang bitbitin mg ginang si Arthur habang tulog pa ito. Hindi na siya makakakapayag sa pagkakataong na ito, ngayon pa ba umamin ang binata na mahal siya nito at babawi pa sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumalik si Faredah at may kasamang dalawang nurse. "Puwede po siyang iupo
Last Updated : 2025-10-31 Read more