"Ma'am, nakita ko pong naglalakad mag isa ang target at mukhang pupunta s restroom."Napangiti si Rizza at natuwa sa narinig. Talagang umaayon sa kaniya ang pagkakataon. Agad niyang tinawagan ang number ni Jaira gamit ang ibang cellphone. Nakita ni Arthur na tumigil ang babaeng may dala ng cellphone ni Jaira saka sinagot iyon. Muka sa suot na headset ay naririnig nita ang nagsasalita mula sa kabilang linya."Hello, sino ito?""Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako." Pinalaki pa ni Rizza ang kaniyang boses na parang lalaki. "Hawak ko ang ina ng lalaking mahal mo at kung ayaw mo siyang mapahamak ay sundin mo ang gusto ko."Mukhang natarantang tumingin sa paligid ang babae nago sumagot. "Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang ginawa mo sa kaniya? Please, huwag mo po siyangsasaktan, kung ano man ang kailangan mo ay ibibigay ko, sabihin mo lang!""Relax!" Nakangising ani Rizza. "Kung gusto mo pa siyang mabuhay ay sumama ka nang tahimik sa taong lalapit sa iyo."Naging malikot ang tingi
Dernière mise à jour : 2025-12-09 Read More