"Huwag kang mag alala at natutulog lamang siya," ani ng doctor habang tinitingnan ang mata saka heart condition ng pasyente. Ilang sandali pa ay napailing ito. "Ano po ang problema, doc?" tanong ni Arthur."Humihina ang kaniyang puso.""Wala po ba kayong magagawa? Kahit magkano ang magastos ay wala pong problema, iligtas niyo lang po ang aking ina.""Maraming kumplikasyon sa katawan ng iyong ina. Kapag inoperahan siya ay twenty percent lamang ang chance na magising pa siya. Kung iinum lang siya ng gamot para maibsan ang pain at mapabagal ang kalat ng cancer ay may six month siyang itatagal pa sa mundong ito."Mukhang nanghihinang napakapit si Arthur sa gilid ng kama ng ina nang marinig ang sinabi ng doctor. Hindi niya lubos naisip na may ganitong sakit ang ina. Sa tingin niya ay wala rin itong alam. Ang cancer ng ina ay traitor at hindi agad nade detect. Ang sintomas rin ay paramg tulad sa normal lang na sakit kaya hindi ito napagtuunan ng pansin. Nasa stage four na iyon at hindi man
Last Updated : 2025-12-15 Read more