Audrey’s POVEwan ko ba kung bakit bigla akong kinilig kay Nick. Kanina, ramdam ko pa ang awkwardness sa pagitan naming dalawa, parang may manipis na pader. Pero ngayon, dahan-dahan, medyo gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanya.Masaya kaming nagtatampisaw ni Elena at Scarlett sa pool habang kasama sina George at Nick.“Nick, contest tayo sa paglangoy. Matagal na rin mula nang magswimming tayo,” hamon ni George, kalahati’y biro pero may halong excitement.“Tsk, baka mapahiya ka lang kay Scarlett,” seryosong sagot ni Nick.Nagkatinginan kaming tatlo, ako, Scarlett, at Elena. Then, sabay-sabay kaming natawa. Pero nakakatawa lalo ang reaksyon ni George, halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Nick.“What? Seryoso ka? Huh! Takot ka lang na matalo ko,” pagyayabang pa niya.Umiling lang si Nick, parang wala siyang pakialam.“Tsk! Tara na, Nick. I’ll show you I’m gonna win this race,” nagyayabang pa si George sabay pumwesto sa kabilang dulo ng pool.“Ok,” simple pero matatag na sagot n
Huling Na-update : 2025-09-11 Magbasa pa