Nick’s POV“You have to be careful, Nick. Believe it or not, the enemy is just around, waiting for the right time to strike.”Paulit-ulit na umuugong sa tenga ko ang babala ni Don Carlos. Habang lumalabas ako ng opisina, bawat hakbang ay parang may bigat. Pakiramdam ko, kahit anong oras, may tatama sa aking bala mula sa dilim.Pagbukas ko ng pinto, siya naman ang lumabas mula sa kabilang kwarto, si Audrey. Nagtagpo ang aming paningin. Para bang huminto ang oras. Kumislot ang dibdib ko, at kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ay ang biglang pagdilim ng isip ko, naalala ko ang mga salitang iniwan ni Don Carlos. Ang kaaway… nasa paligid lang. At mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko dahil sa isipang pwedeng may masamang mangyari kay Audrey.“Are you ready? Pwede na tayong umalis,” malamig at kontrolado kong sabi, pilit na tinatago ang kaba.Napansin kong parang nagulat siya, tila nagising mula sa malalim na pag-iisip. Tumango lang siya, marahan, bago kami sabay bumaba ng hagdan.“Ih
最終更新日 : 2025-09-26 続きを読む