Audrey’s POVPagkatapos ng anim na araw, unti-unti nang bumubuti si Papa. Nakakahinga na rin ako nang kaunti, at pwede na akong bumalik sa trabaho. Pero kahit pa gano’n, hindi ko alam kung bakit nangingibabaw ang kaba. Excited akong makita si Scarlett, pero may takot na hindi ko maipaliwanag, para bang isang maling galaw, maaaring magbago ang lahat.Overwhelming. Nakakalunod. Ang dami kong iniisip, lalo na ang mga salitang iniwan ni Papa. Gusto ko pa siyang tanungin, gusto kong malinawan, pero alam kong hindi pa siya handa. Ayokong maging dahilan ng kanyang pagkabinaat. Kaya’t pinili kong manahimik, kahit binabalot ako ng libo-libong tanong sa loob ng limang araw.Paano ko haharapin si Daddy, si Mommy, si Ate Andrea? Parang may bahaging tuluyan ko nang isinara sa puso ko para sa kanila, o baka sumuko na ako sa pag-asang mamahalin nila ako. Kaya siguro hindi ko mahanap ang excitement sa ideya ng pagkikita namin muli. Ang natira lang, si Scarlett, si George.At doon ko napagpasyahan, un
Huling Na-update : 2025-09-03 Magbasa pa