Pagdating ni Cassandra sa presinto, agad siyang sinalubong ng malamig na ilaw ng interrogation room. Parang bumigat ang hangin nang ipinasok siya ng dalawang pulis. Nakita niyang nakalatag na ang mga papeles, laptop, at recorder sa mesa.“Ma’am, please sit down,” utos ng imbestigador, seryoso ang mukha.Napilitan siyang umupo, pilit pinapakalma ang sarili. Sa labas, rinig niya ang tunog ng mga pulis na nag-uusap, parang may nililista, may tinatawagan. Nakaramdam siya ng kaba na hindi niya maipaliwanag.Maya-maya, may isa pang pulis na dumating dala ang ink pad. Nilapag ito sa mesa, saka siya tiningnan nang diretso.“Ma’am Cassandra, we need your fingerprint for verification purposes. Standard procedure lang po,” paliwanag ng pulis.Nanlaki ang mga mata niya. Fingerprint? Parang biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “What? Bakit kailangan pa ng fingerprint? Hindi ba sapat ang paliwanag ko na I have nothing to do with those drug dealers you’re accusing me of?”“Ma’am, we have to be t
Last Updated : 2025-09-28 Read more