Matapos ang nangyari kina Marco at Bianca, nakatulala si Bianca habang nakahiga. Halos wala na siyang lakas, pero ang isip niya, hindi tumitigil sa pagtutol. Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, malinaw ang katotohanan—si Marco ang nakasama niya, hindi si Elias. Nang tumayo si Marco, mabilis siyang nagsuot ng polo at ngumiti na parang walang kasalanan. “Babalik ako mamayang gabi, Bianca,” anito. "Susunduin ko lang si Cassandra." Nanlaki ang mata ni Bianca. “No! Marco, please, tama na. This was a mistake. Hindi na ito mauulit.” Umiling si Marco at lumapit ulit, hawak ang baba niya para mapatingin sa mga mata nito. “You keep saying mistake… pero bakit hindi mo ako tinulak kagabi? Bakit hindi ka tumigil?” “Because I thought you were Elias!” singhal niya, puno ng desperasyon ang tinig. Napangisi si Marco. “Then let me be your Elias. Kung siya ang hinahanap mo, ako ang papalit. At least ako, nandito. He’s gone, Bianca. Tanggapin mo na.” “Hindi mo alam ang pinagsasabi mo,”
Last Updated : 2025-09-10 Read more