Lumipas ang mga buwan, at habang dahan-dahang lumalaki ang tiyan ni Bianca, napansin ng lahat ang pagbabago sa kanya. Noon, palaban siya — mabilis makipagtalo, laging may matalim na sagot sa kahit sinong mang-insulto. Pero ngayon, tahimik na siya. Hindi na siya halos nagsasalita maliban kung kailangan. Para bang may sariling mundo, laging malalim ang tingin, laging may iniisip. “Bianca, okay ka lang?” tanong ni Minda minsang nag-aayos sila ng mga pinagkainan sa mess hall. “Hindi ka na gaya dati ah. Dati, isang mura lang, may sagot ka agad. Ngayon, tahimik ka na parang multo.” Hindi agad sumagot si Bianca. Tinitigan lang niya ang kanyang mga kamay na nanginginig habang hinuhugasan ang plato. “I’m just tired,” mahina niyang sabi. “Ayokong makipagtalo. Wala namang sense.” “Sense?” umirap si Minda. “Hindi ka na ba marunong magalit? Eh, dati, ikaw ‘yung unang bumabangka rito.” Napabuntong-hininga si Bianca, at tumingin sa kanya. “I still get angry, Minda,” aniya. “But I learned that sho
Last Updated : 2025-10-05 Read more