Pagdating ng doktor at mga nars sa emergency room ay agad nilang inilipat si Lyra sa kama. Mabilis silang kumilos, kinuha ang mga gamit, at pinalibutan siya ng mga puting uniporme.“Check her BP! Hook her to the monitor! Oxygen, now!” utos ng doktor habang nakatingin sa monitor na dahan-dahang kumikislap.Habang abala ang mga doktor at nars, pinapuwesto si Layla sa gilid. Nanginginig siyang lumapit sa isang doktor, halos mahulog na sa pagkakayakap si Lianne.“Doc, pakiusap… anak ko siya. Buntis siya. Iligtas ninyo pati ang baby niya. Huwag ninyo silang pababayaan,” namamanhik niyang wika, halos hindi na makalabas ang boses dahil sa sobrang kaba.“Ma’am, we’ll do our best,” sagot ng doktor na seryoso ang ekspresyon. “Pero kailangan ninyo pong kumalma at hayaan kaming gawin ang trabaho namin. Kapag magulo ang paligid, mas lalong mahirap makapag-focus.”“Mama, bakit si Ate… bakit hindi siya gumigising?” tanong ni Lianne na umiiyak habang nakahawak sa braso ng ina.“Anak, manalangin tayo…
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya