Makalipas ang ilang oras, nagising si Lyra nang marinig ang tunog ng plato mula sa kusina. Nakasuot na siya ng oversized shirt at pajama nang bumaba siya. Nakita niya si Elias na abalang naglalagay ng mga pinggan sa mesa habang si Lolo Sebastian ay tahimik na nakaupo at nagkakape. “Good afternoon,” bati niya. Lumingon ang dalawa sa kaniya. “Gising na ang prinsesa ko,” ani Elias habang nakangiti. “Kamusta ang tulog mo, apo?” tanong naman ni Lolo Sebastian, halatang natutuwa sa presensiya niya. “Masarap po ang tulog ko. Salamat po, Lolo,” sagot niya sabay upo sa tabi ng matanda. “Salamat sa iyo, hija. Matagal na akong hindi sumaya nang ganito. Buti na lang dinala ka ng apong ‘yan dito.” Napatingin si Lyra kay Elias na hindi makatingin ng diretso. “Lolo naman,” nahihiyang sabi ng binata. “Kaya nga gusto ko kayong mapag-isa rito. Para hindi kayo naiistorbo sa Maynila.” “Pasensya na po kung hindi ako nakapagdala ng kahit ano,” ani Lyra. “Naku, hija, ang presensya mo pa lang, sap
Terakhir Diperbarui : 2025-07-21 Baca selengkapnya