Laman ng buong balita sina Armando at Janice. Mainit ang ulo ng publiko sa mga isiniwalat ng media—mga kasong kinabibilangan ng kidnapping, attempted murder, fraud, drug trafficking, at syndicated e****a. Si Armando ang pangunahing utak, habang si Janice ang kasabwat. Nag-trending ang mga pangalan nila sa lahat ng social media platforms. Sunod-sunod ang balita—breaking news, exclusive interviews, at kahit reaction videos mula sa mga kilalang influencer. “Hindi ko akalaing ganito kalala ‘yung pagkatao ng babaeng ‘yun,” mariing sabi ng isa sa mga empleyado ng Revive Media Corp. habang nanonood ng balita sa pantry. “Wala palang hiya, no? Ang kapal pa ng mukha niyang magpanggap na asawa ni Sir Elias. Diyos ko, niloko niya tayong lahat,” sagot ng isa pa, halatang dismayado. “Ang masakit, si Sir Elias ‘yung pinakaapektado. Siya ‘yung niloko, siya ‘yung ginamit. Grabe ‘tong si Janice, akala mo matino, ‘yun pala…” “Si Sir Elias pa ‘yung tumutulong sa kaniya noon, ‘di ba? Binayaran pa ‘yun
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya