Bumukas ang pinto ng opisina ni Elias. Parang eksena sa pelikula ang sumunod na nangyari. Sumugod si Janice at buong lakas na sinabunutan si Lyra habang pasigaw na nagwala."I will kill you!" sigaw ni Janice, habang kinakaladkad pababa ang buhok ni Lyra."Ano ba?!" sigaw ni Lyra, pilit iniiwas ang sarili habang sinusubukang makawala sa mahigpit na kapit ni Janice."Janice! Please stop!" halos gumapang si Elias sa sahig, namimilipit pa rin sa sakit matapos sipain ng dalaga ang maselang bahagi niya. Pawis na pawis ang binata, hindi pa rin makabangon nang maayos."Look at me, Elias! Tingnan mo kung ano ang ginawa ng baliw mong ex-assistant!" halos mawasak ang boses ni Janice sa tindi ng galit habang muling susugod sana, pero nahawi na siya ni Lyra."Umatras ka, Janice. You’re pushing your luck," mariing sabi ni Lyra, nanlilisik ang mga mata.Pero sa halip na tumigil, biglang napaupo si Janice sa sahig. Umiyak ito na parang bata, nanginginig ang katawan, pilit kinukuha ang simpatiya ni El
Terakhir Diperbarui : 2025-07-31 Baca selengkapnya