Pagkabukas ng elevator, agad na bumungad kay Lyra ang mga kaibigan niyang sina Grace, Mariel, at Renz na kasalukuyang nagkukuwentuhan sa lounge area sa ground floor ng building. Nagulat ang tatlo sa itsura niya. Mugto ang mga mata ni Lyra, at halatang kagagaling lamang sa pag-iyak. "Lyra?" tawag ni Grace, agad na lumapit sa kaniya. "Anong nangyari? Bakit ang pula ng mata mo?" "Uy, girl, okay ka lang ba?" sabay tanong ni Mariel, halatang nag-aalala rin. "Bakit parang galing ka sa iyakan? Sinaktan ka ba ng ex-fiance mong halimaw?" singit ni Renz habang sinusundan si Lyra ng tingin. Ngunit ngumiti lamang si Lyra, pilit at matamlay. "I’m fine. Sorry, guys, kailangan ko lang umalis. Next time na tayo magkuwentuhan," aniya habang mabilis na nilagpasan ang mga ito. "Lyra, sandali lang!" tawag muli ni Grace. Pero hindi na siya lumingon. Baka kung tumigil pa siya, bumagsak muli ang luha niya sa harap ng mga ito. Ayaw na niyang makita siyang mahina. Pagkalabas ng building, tuluy-tuloy lan
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya