Mga kaibigan lahat ni Yohan Benjamin yung nasa paligid, kaya kung may makakita sa kanila ngayon, nakakahiya talaga. Napansin ni Yohan na parang kabado si Chloe, kaya bigla siyang yumuko palapit. Halos magdikit na yung mukha nila. “Bakit, natatakot ka ba?” tanong niya na may kasamang mapaglarong ngisi. “Ang kulit mo, Yohan. Tumigil ka nga,” sagot ni Chloe, saka inirapan siya at umiwas ng tingin. Pero lalo lang siyang ngumisi. “Ba’t ka naman ganyan? Para kang laging galit sa’kin.” “Hindi ako galit, naiinis lang,” pabulong pero may diin niyang sagot. Bigla na lang siyang hinawakan ni Yohan sa baywang, at dahil nasa may lababo siya, wala na talaga siyang kawala. “Yohan, huwag dito,” kinakabahang sabi ni Chloe. “Eh paano kung ayoko?” sabay lapit pa nito. Ngumisi pa lalo si Yohan, parang natutuwa pa sa reaksyon ni Chloe. At nung makita ni Chloe yung ngisi niya, kinutuban na siya. May gagawin na naman ‘to. Bago pa siya makagalaw, hinalikan na siya ni Yohan. Sakto namang, may mga ya
Terakhir Diperbarui : 2025-08-25 Baca selengkapnya