“Sabi mo,” inilapag ni Don Lancaster ang chopsticks, saka nag-isip ng mga pweding mangyari, bago tumugon. “Kung sapat ang dahilan mo, gagawan ko ng paraan para matupad ’yang hiling mo.” Hindi naman na nag-alinlangan pa si Chloe. “Hindi ako puwedeng manatili pa, e.” Napakunot naman ang noo ng matanda. “Bakit naman? Nandito ang pamilya at tahanan mo. Si Yohan na rin ang nag-ayos ng magiging kinabukasan mo. Ano bang sikreto niyan?” Bigla ring sumagi sa isip ni Don Lancaster si Chase. Siya rin ay pupunta sa isla. Ang plano ni Yohan, paghiwalayin si Chloe at si Chase, one in Cebu and the other on the island, so there would be no worries, and others would not be able to gossip about them. Pero matigas na ang pagkakasabi ni Chloe nang sagutin niya ito. “Gusto kong sumama kay Yohan. Puwede naman akong magdala ng textbooks at mag-aral mag-isa doon. Kapag exam week sa school, babalik ako para kumuha ng tests.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Grandpa may not know, my cousin
Terakhir Diperbarui : 2025-10-03 Baca selengkapnya