Lumipas ang ilang buwan mula nang magsimula ang paglilitis kina Victor Almonte at Mr. Casaldan. Sa bawat hearing na dumaan, mas lalo lamang naging malinaw ang mga ebidensyang inilatag laban sa kanila. Hindi na sila nakapagtago sa likod ng pera, koneksyon, o mga taong dati nilang ginagamit upang linisin ang kanilang pangalan. Isa-isang nabunyag ang mga transaksyon, dokumento, at desisyong ginawa nila na tuluyang naglagay sa kanila sa posisyon kung saan kailangan nilang harapin ang naging kapalit ng kanilang mga ginawa.At dumating din ang araw ng hatol.Kasama ko si Mommy sa loob ng courtroom, habang nasa tabi ko naman si Terrence kasama ang kanyang pamilya. Tahimik ang buong paligid habang hinihintay namin ang desisyon ng korte. Ramdam ko ang tensyon sa bawat sulok ng silid, lalo na nang magsimulang basahin ang hatol.Hindi ko na kailangang tingnan si Tito Victor upang malaman kong naririnig niya ang bawat salitang binibitawan ng hukom.Nang tuluyang ideklara ang kanyang pagkakasala at
Read more