Miguel“Hay, konti na lang. Makakaganti na rin ako sa kanila!”Naupo ako sa mabaho at sirang sofa, nag-iisip ng susunod kong galaw kapag nasa kamay ko na ang anak ni River. Sabik na sabik ako! Napakarami kong plano. Pero bigla kong narinig ang pinto na bumukas at malakas na nagsara at pumasok si Kim—halatang kabado ang gago.“Boss, yari na tayo!” halos manginig si Kim sa takot.“Ano na naman ‘yan? Anong arte ‘yan, Kim? Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?” Tumayo ako mula sa upuan ko. “Nasaan ang kaibigan mong babae at ‘yung bata?”“Eh, b-boss…pumalpak ‘ang plano!” sabi ni Kim, halos maiyak.“Ha?!” nanlaki ang mata ko.“Oo, boss, pumalpak, sumablay, sumirit, sabog, walang nangyari!”Diyos ko, ang daldal ng batang ‘to, kung hindi ko lang nauutusan, matagal ko ng dinispatya ‘to sa totoo lang. Pero wala na akong pagpipilian sa ngayon. Siya lang at ang mga kakilala niyang small-time ang pwede kong pagtyagaan.“Anong eksaktong pumalpak, tanga ka ba?” lumapit ako sa kanya, nanlil
Read more