IsabelleWala akong magawa kundi tumitig lang habang itinutulak ni Miguel si River papunta sa opisina, at tumulo ang luha ko. Pagkaalis na pagkaalis nila sa silid, bahagyang gumalaw ang ng seradura ng pinto mula sa gilid at dahan-dahang sumuot si William, sumenyas ito na manahimik kami.Salamat sa Diyos!“Ma’am, patawad po,” pabulong ni William. “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok, pero aayusin namin ito. Pakiusap, umakyat po kayo ng tahimik, huwag gumawa ng ingay at bantayan ang mga bata. Poprotektahan po kayo ng mga tao ko. Paparating na ang mga pulis.”“Si Miguel, William. Papatayin niya si River.” Desperado ako.“Pinapangako kong hindi yan mangyayari. Pero pakiusap, kailangan ko kayong maging ligtas. Hindi na ako muling magkukulang.” Inalalayan ako ni William na makatayo.“Hindi mo kasalanan, William,” sabing marahan ng yaya na tinutukan ng baril nang datnan ko sila sa sala. “Patawarin mo ako, ma’am, pero itinapat niya ang baril sa ulo ko habang palabas ako ng bahay at
Read more