Joko“Mr. Ventoza, tama na ‘yan for today.”Lagpas alas-siyete na ng Biyernes ng gabi bago tuluyang naawa si Diane at pinalaya ako. Over time, natutunan ko na rin na tanggapin at hindi siya kulitin. Mas payapa. Kaya nang siya na mismo ang mag-suggest na we had enough for the day, natuwa ako.“Ano? Pauuwiin mo ulit ako ng maaga?” tanong ko, nakangiti sa kanya.“Kung gusto mo, iiwanan kita ng trabaho na tatapusin mo—pero ako uuwi na. Mahaba ang linggong ‘to. Ang dami mong trabaho.”“Hindi, please, walang iiwan na task. Pagod na rin ako. Pero…gusto sana kitang pasalamatan.”“Oh, talaga?” Umirap muna bago ngumiti si Diane at sumandal sa upuan, parang pusang nakahuli ng daga.Tama lang ang gagawin ko, I am giving credit where credit is due at sa ngayon–kay Diane ‘yon. “Oo. Baka pagsisihan ko ‘to pero magiging honest ako…ibinalik mo ako sa realidad. Napabayaan ko ang kumpanya ko at ibinalik mo ako sa tamang direksyon. Salamat.”“Sabi ko naman sayo, kailangan mo ako!” Lalo pang lumaki
Read more