Nanlaki ang mga mata ko. Sina Mayor at Engineer Irlan! Ano'ng ginagawa nila rito? "Stay out of this, Irlan," matigas na ungol ni Mayor Yanixx at iniharang ang kanang braso para pigilan si Engineer na makahakbang pa."And I told you, this can't be done, Yanixx! You're insane!"Tumayo ako kahit bibigay na sa nerbiyos ang mga tuhod ko. Sina Lolo, Mama at Papa at umahon din sa inuupuang sofa na kawayan. "M-Mayor, ano'ng ibig ninyong sabihin?" garalgal ang boses na asik ni Mama."Ma!" Pilit akong humarang sa gitna para awatin ang nakaambang gulo."I'm having a secret affair with your daughter. Ako ang ama ng ipinagbubuntis niya," pagtatapat ni Mayor. "Hinihiling kong makausap kayo ng maayos. Handa akong panagutan si Ace.""Lolo? Lo!" Taranta kong hinabol si Lolo na naglakad patungo sa gawi ng higaan nito at tama nga ang kutob ko. Inabot nito ang itak na nakasabit sa dingding. Niyakap ko siya. "Lolo, huwag po! Lo! Mayor, umalis na po kayo!" "Akala ko pa naman matino kang lalaki, Mayor! B
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya