Inangat ni Mayor ang kamay ko at dinampian ng halik. Nakaalalay sa balakang ko ang kaniyang braso habang lumalapit kami sa pamilya niya."Mom, Dad, my wife, Ace." Ipinakilala ako ni Mayor."Magandang gabi po," bati ko sa nanginginig na dila pero naitawid ko naman nang maayos ang pagbigkas ng salita."How old is she again, Yanixx?" pasikmat na tanong ng Mommy niya.Napalunok ako at biglang nanghina ang aking mga tuhod. Maagap akong sinalo ni Mayor at buong ingat na pinauupo sa kabukod na couch."Ka-edad ko lang po siya, Mom," sagot ni Nicolo at noon lang ako nito tiningnan. Marahan itong umiling, senyales ng disappointment nito sa akin."Eighteen or malamang ka-e-eighteen lang? God, Yanixx, what are you thinking? Child abuse iyang ginagawa mo, statutory rape!" singhal ni Atty. Elenna."Calm down, Darling." Nagsalita si Engr. Zandro. "We're here to meet our daughter in-law, remember? Mali ang anak natin, pero hindi rin ako papayag na ipakukulong mo siya dahil lang pinili niyang mag-asaw
Last Updated : 2025-07-29 Read more