“After what you did to me,” pagpapatuloy nya, sa harap pa rin ang tingin nya. “You gave me the right to be your older brother.”“Anong harass ang sinasabi mo?” halos magsalubong na ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Umismid sya nang lingunin ako. Hindi nya ako sinagot pero ang paraan ng pagtingin nya sa akin ay nagpahiwatig ng kasagutan sa aking tanong.Right.He was referring to what I did last, last night. Madrama akong suminghap bago nagsalita. “That’s exactly why I did it! Para ipakita sa’yo na hindi mo dapat ako ituring na parang bata!” I shot back, crossing my arms. “Hindi para maging kuya ka. Hindi ko kailangan ng isa pang kapatid! Sapat na sa'kin si Ate. Boyfriend kailangan ko, Renzo! Boyfriend!”Marahan nya akong tinawanan. Huli na rin bago ko mapagtanto ang huling sinabi. “I-I mean—”“You’re still young, Scarlet.”Bahagya akong napaatras sa inuupuan. Ang mga labi ko ay kusang nagdikit, at natahimik. Ito ata ang unang pagkakataon na marinig sa mismong bibig nya ang
Last Updated : 2025-11-28 Read more