Mula sa lumayong pigura ng dalawa, lumipat ang tingin nya sa akin. Kahit sya ay mukhang nagulat sa biglaang pagseryoso ni Mama, pero nang sa akin na ang tingin, nagsalubong ang kanyang mga kilay. Tila nagtataka sa pagngiti ko. Hindi ko pinansin ang suplado nyang mukha, tumayo ako at may kompiyansang naupo sa tabi nya, kung saan nakaupo kanina si Riel. "Hi," malambing kong bati. Sandaling pagtabi ko sa kanya, naamoy ko na ang panglalaki nyang pabango. At dahil bihasa na ako sa amoy ng mayayamang lalaki, sigurado na akong pasok sya sa standard ko. Ang manly nya, sa totoo lang. Mahal ang papuri ko. Kapag sinabi kong manly ang isang lalaki, para sa akin, sya na ang gusto kong susunod na human ATM ko. Bye bye, Azi, na talaga. "Hi," bati ko ulit nang hindi nya ako pinansin. He didn't acknowledge me again. No reaction, no reply. Saglit lang nya ako tinapunan ng tingin. Mayamaya ay tumayo ito at dire-diretsong naglakad palabas. I let out a quiet scoff. Ang rude, ha. Sandali ko muna
Last Updated : 2025-11-26 Read more