"Nervous?" Napakurap ako sa biglaang tanong ng makeup artist sa akin, pero agad din ako nakabawi at mabilis siyang inilingan. "Just thinking something," sagot ko. Napansin ata niya ang pagiging balisa ko magmula nang dumating ako dito. Sino ba naman kasi ang hindi magmumukhang tanga kung bigla ka na lang dito pinapunta para makeup-an para sa event na hindi mo alam kung para saan. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa huling araw ko bago ang kasal. A few minutes ago, I was in my room, still hoping to see Mama, Scar, or even Celine, kasi 'di ba, kadarating lang nila. Tapos biglang wala sila at napunta na lang ako dito sa harap ng malaking salamin, mini-makeup-an ng alam kong big time na makeup artist. "Thinking about tomorrow?" muling tanong sa akin ng makeup artist habang marahan niyang bini-blend ang foundation sa mukha ko. "It's normal to feel a bit overwhelmed. Weddings are a big deal, after all." Pilit akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong ni
Last Updated : 2025-07-26 Read more