"Basta, ate. Kailangan pag-uwi mo, may pamangkin na ako sa'yo, ha?" maharot na bulong sa akin ng kapatid. Binatukan ko nga. "One week lang kami do'n, gaga!" "Oh, siya, sige na. Anak, ipagluto mo do'n ang asawa mo. Huwag kang tatamad-tamad, sinasabi ko sa'yo." Tinanguhan ko na lang si Mama. Hindi ko kasi alam ang isasagot. Alam naman niya na bukod sa adobong manok, e, wala na akong alam na lutuin. Alangan naman pakainin ko ng gano'n ang bilyonaryo na iyon sa loob ng one week? Mama talaga. "Alina, my dear..." lapit sa akin ng Mama ni Riel at niyakap ako ng mahigpit. "Enjoy your honeymoon, and don't stress yourself there, ha?" "Yes, ma'am. Salamat po," balik kong ngiti at nagmano sa kaniya. Gano'n din ang ginawa ko sa Papa ni Riel. Nagmano at nagpasalamat na rin ako sa bilin din nitong mag-ingat kami roon. Isang makahulugan naman na tingin ang pinukol sa akin ng kaibigang si Celine nang ibeso ko siya at nagpaalam na. "Ingat, ate!" pahabol ng kapatid ko. Kumaway pa ito bago k
Last Updated : 2025-07-29 Read more