Nakitaan ko ng kaunting pagkagulat ang waiter sa pagsagot ko. Siguro ay hindi niya inaasahan na kahit papaano ay maayos ang pagkakabigkas ko. "Nihongo, ojouzu desu ne." I knew it. Pinuri nga niya kung paano ko binigkas ang wika nila. Nag-ngitian kami at nagpalitan pa ng kaunting usapan bago siya nagpaalam saglit at pumunta na sa may counter. Paglingon ko sa katabi ay ang seryoso ngunit may nakakaasar na ngisi ang bumungad sa akin. "I didn't know you were that good. Not bad," aniya sa seryosong boses. "Sus. Na-amaze ka lang, e. Kalma, baka magka-crush ka na niyan sa akin," sabi ko sa mapanuyang tono. Paano, e, masyado siyang seryoso. Akala ko pa naman ay aasarin na ako dahil nakangisi naman siya ng nakakaasar no'ng lingunin ko siya. "Kung hindi mo kasi naitatanong, madami akong alam na japanese term. Sige, turuan kita bukas," I genuinely offered him with all the smile I had. Kaso ang mokong, mas lalo pa sineryoso ang mukha na para bang sinasabi na hindi na siya na
Last Updated : 2025-07-29 Read more