Mainit ang ihip ng hangin sa Ninoy Aquino International Airport, ngunit wala pa rin itong panama sa mas matinding kilig at pananabik ng mga nag-aabang sa isang private arrival gate — isang pagbabalik na limang taon nilang hinintay. Tahimik ang paligid. Walang media, walang press. Isang araw bago ang opisyal na launching ng Véraise Philippines, ngunit ngayong gabi pa lang, may eksklusibong pagsalubong nang naghihintay para sa isang babaeng matagal na nawala — hindi lang sa industriya, kundi sa sariling bayan. Sa tapat ng gate, nandoon sina Sam at Rico, parehong naka-casual suits, ngunit hindi maitago ang tensyon at saya sa mukha. "Parang kahapon lang ‘yung huling yakap ko sa kanya sa airport," mahinang sabi ni Rico habang nakatingin sa gate. “Pero limang taon na pala. Video calls lang. Wala man lang kahit isang bisita,” dagdag ni Sam, nakangiti pero bakas ang lungkot. “This is it.” Hindi kalayuan, nakaayos sa unahan sina Sky, Snow, at Callum, suot ang matching white shirts na may p
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya