Bumungad ang malamig na simoy ng hangin mula sa bintana ng villa. Sa loob ng modernong dining area, masiglang nagkukulitan ang tatlong bata — bawat isa'y may kanya-kanyang mundo, pero sabay-sabay sumisigaw ng "Mommy, I'm hungry!" Nasa kusina si Alyssa Ann Ramirez, suot ang simpleng apron, habang nagluluto ng pancakes na may strawberry toppings at whipped cream — isang Sunday ritual na hindi kailanman nawawala. “Kuya Sky, stop poking the strawberries!” sita ni Alyssa nang makita ang panganay na palihim na sumusungkit ng prutas mula sa tray. “Sorry, Mommy!” ngiting pilyo ni Sky, hawak-hawak ang plastic fork at nakatayo sa stool na parang commander ng maliit na hukbo. “Snow, sweetheart, ibalik mo yang whipped cream sa table,” sabat ni Alyssa nang mapansing nagtago ng kutsarang puno ng cream ang kanyang pangalawang anak. “I wasn’t going to eat it,” palusot ni Snow, pero halatang may puting bakas ng whipped cream sa gilid ng labi. “Callum, baby, are you okay?” tanong ni Alyssa sa buns
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya