Chapter 17Lumapit siya kay Amara, mabagal ang bawat hakbang, hanggang sa magtagpo muli ang kanilang mga mata. “Bakit ba parang takot na takot kang makasama ako dito, Amara? Mag-asawa tayo at normal lang na matulog tayo sa iisang kwarto, sa iisang kama.”“Hindi pwedeng dito ka rin mag-stay kung nasaan ako,” matigas na sambit ni Amara, kahit pa nanginginig ang kanyang loob. “Hiwalay na tayo, Argus. At hindi magandang tingnan, lalo na’t nandiyan lang si Ysabel sa kabilang kwarto.”Tumayo si Argus, humarap saglit sa kanya, ngunit walang sinabi. Umikot ito, lumakad papalayo, at tumigil sa tabi ng ashtray. Tinapik ang sigarilyo, sabay irap ng mata sa kanya."Maliligo lang ako," malamig ang tono nito. "Kung wala kang balak lumipat ng kwarto, manatili ka rito at matulog ka sa kama ko."Parang binuhusan ng malamig na tubig si Amara.Hindi siya agad nakakilos. Nanginginig ang katawan niya habang pinakikiramdaman ang bawat tunog sa paligid. Nang marinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo,
Terakhir Diperbarui : 2025-07-29 Baca selengkapnya